IT Love Life

TRUE LOVE STORIES (ALL MUST REMAIN ANONYMOUS! NEVER ASK!)

Thursday, August 17, 2006

Tagong Pag-ibig..

Hello guys! First time ko lang magpost dito. Bagong pasok palang ako sa ating block. Una, hiyang hiya talaga ako dahil wala akong kilala subalit, sa dulo ng aking mga mata, may nasulyap ako.. Isang babaeng mala-anghel ang mukha. ang kanyang ngiti ay masnagniningning pa kaysa sa mga bituin sa langit. napapangiti ako para tuwing nakikita ko siya na ngumingiti. Sa lahat ng mga babae sa block, siya lang hinahanap ng aking mga mata.

Isang taon na ang nakalipas.. Wala pa ring nakakaalam na may gusto ako sa kanya. Wala talaga akong pinagsabihan kahit ang mga nakaksama ko parati. Hindi ko pa rin masabi sa kanya ang aking nararamdaman. Sa tingin niyo..? Sasabihin ko ba sa kanya o hindi? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Isang araw, nakatabi ko siya.. gustong gusto ko na sabihin sa kanya ang aking nararamdaman. Pero iba ang nasabi ko sa kanya. Sayang talaga! Pero ok lang. Ang dami pang oras para maitapat ko ito sa kanya.

Hindi na ako nakakatulog dahil parati ko siyang iniisip. Kahit sa school.. siya lang ang hinahanap ko. Hindi na ako nakakapagaral ng maayos dahil sa kanya. Kapag sinabi ko ba sa kanya, hindi ko na ba siya iisipin parati? Ito lang ang masasabi ko.. mahal ko siya.. patay na patay na talaga ako sa kanya..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home