Wala lang..
medyo nalalabuan lang talaga ako sa sarili ko... bakit ganito.. bakit ganoon.. may gusto ako sa kanya pero hindi ko alam kung may gusto talaga ako sa kanya.. sana maintindihan niyo.. pero ganun lang talaga naramadaman ko noon.. hindi ko talaga maintindihan ang mga tao.. lalo na kapag nagkakagusto ang tao sa isang tao.. pano mo malalaman na may gusto ka sa isang tao..? pano mo masasabi at mapapatunay na gusto mo talaga siya? ganyan ang nararamdaman ko dati..
ganito kasi ang situasyon ko dati.. may isa akong gusto pero hindi ko alam kung gusto ko ba talaga siya.. hindi ko masabi na gusto ko talaga siya dahil hindi ko alam kung may gusto ako sa kanya.. pero parati ko naman siya iniisip.. tapos tuwing may magtetext sa akin, parati ko sinasabi sa sarili ko na sana siya ung nagtext.. ganoon din pagdating sa phone.. kapag nagriring ung telephone namin sa bahay, umaasa ako na sana siya ung tumatawag sa akin.. pagonline ko sa yahoo messenger, una kong titignan ang pangalan niya (sana online siya!)..
kapag ganoon ang mga iniisip mo.. may gusto ka ba talaga sa kanya? ewan ko talaga.. pero habang tumagal.. dumami nanaman ang mga tanong ko.. pano naman kung ako yung nasa posisiyon ng taong gusto ko.. ano kaya ang mga iniisip niya tungkol sa akin.. pano ba malalaman kung may gusto sa akin ang isang tao? ang hirap talaga! pero ganyan talaga.. ang pangit naman kung nababasa natin ang iniisip ng mga tao.. walang thrill sa buhay kung hindi ganoon..
0 Comments:
Post a Comment
<< Home