IT Love Life

TRUE LOVE STORIES (ALL MUST REMAIN ANONYMOUS! NEVER ASK!)

Thursday, July 20, 2006

Rapunzel (Part 1)

Ahem... Sarap mgkwento ng love stories... Kakainspire eh ska ang sarap balikan ng mga masasayang memories...

Napakaimmature ko nung una qng dting sa highskul... Ugaling "totoy" ika nga... Pglipas ng ilang years, ngmature ako ng onti pero immature parin dahil wala pa aqng experience sa love... Sana wg kayo antukin dahil mahabahaba 2ng ikwekwento ko...
Magsisimula ang kwento ko sa bandang umpisa ng 3rd year highschool 1st quarter, Coed school ang pinapasukan ko na pinamumugaran ng mga kalalakihan at kababaihan... Mas maraming babae kesa sa mga lalaki... Cguro ang ratio is 3 girls: 1 boy... Maraming potential na mging karelasyon bsta mgaling kang dumiskarte... Ufortunately ala pa aq msyadong karanasan pgdating sa mga babae... Nabasted dn kc aq nung 2nd year... Ung seating arrangement sa room namin ay boy,girl,boy... bsta ganun... Alternate ang babae at lalaki... Itatago ko ang pangalan ng aking katabing babae sa pangalang "Rapunzel" pero ang totoo niyang pangalan ay may kaugnayan sa isang instrumentong musikal. Bakit Rapunzel ang ipinangalan ko? Kasi mahaba at madulas ang kanyang buhok... Lampas bewang ang kanyang buhok... Kung tutuusin ay pwede siyang maging modelo ng shampoo dahil sa ganda ng kanyang buhok... Nabighani kaagad ako nung una ko siyang makita... Dahil CHOPE pa aq nung time na yun, hiyang hiya aq tuwing nalalapit ako sa kanya at nagiging CLUMSY aq... Ewan q b qng bkit... Parang ang hirap huminga pg kasama q xa at wala aq sa sarili q palagi... Minsan nkakapuslit ako ng silay sa kanya... Grabe nakakakilig!!! Kapag nahuhuli niya aqng tumitingin sa kanya ay agad kong iniiwas ang mata ko sa kanyang mga mata... Gustu q sanang pagmasdan ang kanyang mabibilog na mata kaso lang ay naCHOCHOPE p q... Bihirang bihira lang kaming mag-usap nung time na yun pero may isang insidente na nkapagpabago ng relasyon naming dalawa...


Ang lakas ng bagyo nun... Sinuspinde ang mga klase ng tanghali... Naiwan kami ni Rapunzel sa room dahil kami ang nakatalagang maglinis ng kwarto... Baha na nga sa labas ng paaralan namin dahil binabaha talaga ang paaralan namin... Naglinis kami ng naglinis... Wala kaming sinasabi sa isa't isa... Para bang hindi kami mgkasama sa isng kwarto... Halos lahat ng estudyante ay nakauwi na... Sa aming section, kami n lng ang naitra... Nagulat aq ng tinanong niya sa kin kung pwede ko dw ba siyang samahan sa may labas ng skul kc hihintayin niya ang papa niya at naiwan niya ang kanyang payong sa bahay niya... Ang cute pa ng boses niya! Sinabi ko sa kanya na mghintay muna kami ng ilang oras baka sakali kacng mawala ang baha sa paaralan... Pumayag naman siya... Ayun! Solongsolo ko xa! Haha... Di ko namalayan nung time na yun nag dadaMOVES n q! Hehe... Ayun ngusap kami tungkol sa aming sarili... Siya unang ngkwento... Tas ako ang sumunod... Nalaman namin na marami kaming similarities... Mahilig kaming matulog, magbasa ng pocket books, mg laro ng computer at mgbadminton... Mahilig din xang mg joke... Grabe... ang korny talaga niyang mg joke... Sounds rude pero yun ang totoo... Dami niyang alam na jokes... e.g. Cnung artista ang maraming teeth?E di si MaTEETH! Grbe ang pinapakita niyang kakornihan... Sa una pinipilit q lng 2mawa para d xa mapahiya pero habang tumatagal ang joking time eh untiunti kong naapreciate ang mga jokes niya, untiunti na qng natatawa nang hindi pilit... Mga hapon na ata nun ng mgpasya kaming lumabas n ng skul... La n kc pagasa na bumaba ang baha kaya lulusungin n lng namin kesa abutin kami ng dilim sa paaralan at mapagpiyestahan p kmi ng mga lamok... Nilusong namin ang baha... Hawakhawak ko ang payong habang siya ay nkakapit sa braso ko dahil takot siyang madulas at mapahiya... Kinikilig ako nung time na yun! Grabe talaga kaya binabagalan ko lakad ko para tumagal pa ang pgkapit niya sa braso ko... Umabot din naman kami sa labas at hinintay namin ang papa niya... Ang ganda ng scene na yun! Biglang umulan ulit at nilalamig kaming dalawa... Ayokong gumawa ng the MOVES(yakap... haha tigas mukha q) kasi baka makahalata kaya binigay ko n lng sa kanya yung jacket ko... Ngthank u naman siya at ngsmile ako... KiligZ! Cute niya! Parang nescafe na commercial yung scene! haha... Dumating na din ang papa niya at nagpaalam xa skin... Habang naglalakad sila ng papa niya palayo sa akin, muli aqng nabighani sa pagsayaw ng kanyang mahaba at magandang buhok at hindi ko maitago ang sayang nadama ko...

To be Continued...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home