IT Love Life

TRUE LOVE STORIES (ALL MUST REMAIN ANONYMOUS! NEVER ASK!)

Thursday, August 17, 2006

Kung alam mo lang sana...

lobot yan! Wala na naman ako magawa.. inaantok n nman ako ngayon.. pagod na pagod na tlga ako lobot yan.. hindi ko pa rin alam kung ano ang totoong nararamdaman ko.. hindi ko alam kung gusto ko ba siya o hindi.. kasi naman yung mga kaibigan ko eh lagi kaming ginugulo dati naman tuwing kumakain kami ng sabay tuwing umaga at sabay pumapasok sa klase ayos lang naman pero dahil sa mga lobot na yan.. lobot talaga! hahaha.. dati nagbibiro pa ko na kailangan ng back-up, pero ngayon hindi ko na masabi bakit ganoon? ngayon hindi ko na naiisip na magkaroon ng back-up.. hindi ko alam kung bakit pero ganoon eh.. lobot yan. tapos naisip ko, dahil sa mga lobot kong kaibigan.. paano kung naging kami? hahaha..

paano ko ba ito sasabihin sa kanya? hmm.. madalas nga kaming naglalakwatsa, nakikita ko siyang masayang masaya pero hindi ko masabi sa kanya.. hahaha.. pero teka nga lang.. lobot.. hmm.. napapaisip tuloy ako, bakit kaya siya masaya tuwing kasama ako? hindi kaya.. iniisip nya rin ako tuwing hindi kami magkasama? di kaya ganoon din pagdating sa phone.. lobot yan.. kapag nagriring ung telephone niya sa bahay, umaasa din kaya siya na sana ako ang tumatawag sa kanya.. di kaya pagonline niya sa yahoo messenger, ako ang una niyang titignan na pangalan.. hay ewan ko ba! lobot.. tama nga ba itong iniisip ko? hahaha..

love na ba ito? ibang-iba siya sa mga nakilala ko.. akala ng mga kaibigan ko hindi ako seryoso sa kanya.. sinasabi ko na lang, "sige lang, hindi naman totoo!".. pero sa loob ko, "grabe, cute niya talaga!".. parang nag-iiba ang ugali ko.. sa totoo lang, iniba niya ako.. hay ewan ko ba! sana nga love na ito!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home