IT Love Life

TRUE LOVE STORIES (ALL MUST REMAIN ANONYMOUS! NEVER ASK!)

Saturday, September 13, 2008

Tingin..

Hay. Ewan ko ba. Gustong gusto ko siyang makita, pero ang nakakapagtaka, kapag naaabot tanaw siya ng aking mata hindi ko naman siya matignan. Tapos kapag wala siya at di ko siya makita hinahanap-hanap ko siya. Sa madaling salita hindi ako makatingin sakanya ng diretso.  Mayroon lamang na ilang mga pagkakataon na ako ay nakakatingin sa kanya at madalas ay dahil kausap ko siya. Dun lang ako nakakahanap ng pagkakataong tignan siya. Pag di ko siya kausap talagang iwas tingin lang talaga ako. Bakit kaya ganun? Siguro dahil nahihiya ako na makita nyang nakatingin sakanya. Baka kasi magmukha lang akong ewan. Hay. Bakit di ko siya matignan? Sana dumating ang araw na makakatingin na ako sakanya ng diretso ng walang inaalala..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home