IT Love Life

TRUE LOVE STORIES (ALL MUST REMAIN ANONYMOUS! NEVER ASK!)

Tuesday, September 09, 2008

The Encounter

Di ako ang tipong lalaki na basta-basta nahuhulog ang puso sa isang babae, subalit, umiba ito nung nakita ko.. siya..

Kakatapos ko lang ng last class ko.  Sumama muna ako sa mga kabarkada ko at nagkwentohan.  After ilan oras, nagpaalam na ako sa kanila dahil mahihirapan ako magcommute kung maya pa ako alis.  Papunta na ako sa front gate, pero inicip ko na sa likod na lang kasi baka mei chance na mei umaabang na taxi nun at mas hindi init dun.  Pagdating ko dun, wala.  So, nagbigay ako ng 10 mins na dumating ang taxi, kung indi, punta na ako sa harap.  So nakaupo ako sa mei tapat ng pinto ng secretary sa mga theo prof/pari.  Nakatunganga lang ako sa labas hoping to get a cab, pero nung lumiko ulo ko sa entrance, dyan ko nakita sya.

  Lumabas sya entrance gate at naghintay sa labasan ang kanyang sakyan.  Mistisa sya na mejo mahaba ang buhok.  Nung nakita ko muka nya, wala ako masabi.  Ang complexion ng muka sobrang kinis at lambot.  Ang lips naman nya naka "nude" colored lipstick. At ang mata ay inonsente at cute.  Di ko maintindihan, pero, for some reason, di ko matigil sa pagtitig ko sa kanya. *syempre di ako nagpahalata na nagtitining ako sa kanya!* 

After ilan minutes, mei dumating na tao, *bodyguard siguro*, at sinundo sya at  lumakad sila papunta parking.  Napatayo ako at pumunta sa kung san sya nakatayo kanina at sumilip sa kanya before wala na sya sa sight ko.  Tumaas beat ng puso sa ko sa pagtitig ko sa kanya.  

Ngaun, nakikita ko pa rin sya minsan sa school at palagi pagnag cross paths kami, nanenervous ako at hindi makatigil but to look back and catch a glimpse of her..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home