IT Love Life

TRUE LOVE STORIES (ALL MUST REMAIN ANONYMOUS! NEVER ASK!)

Friday, September 05, 2008

The Library

Sobrang bored na bored ako ngayong araw. Gustong gusto ko na matapos itong araw para makauwi na ako. But then.. napadaan ako sa ALB library.. 

I don't know why. Nakita ko siyang nagbabasa sa table. Bigla akong nagstop at napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung lalapit ba ako or hindi. Pero hindi ko mapigilan sarili ko.. 

Tinanggal ko lahat ng hiya ako. Lumapt ako at tinabihan ko sabay kinausap ko agad. Kinamusta ko lang siya... Library ba naman kasi.. 

After nun.. umalis na ako.. Tapos umupo ako sa ALB bench sa harap ng fountain. Ako'y napaisip ng matagal about sa mga bagay bagay.. At siyempre.. umaasa din ako na bababa siya kasi gusto ko siya makita ulit.. pero malapit na mawala ung araw, hindi pa rin siya bumababa... so umuwi nalang ako.. 

Pero after nung event na un.. parati ako napapadaan sa dalawang library sa UAP para lang mahanap ko siya. Pero nagkakataon na wala na siya parati.. Hindi ko na alam kung saan siya nagpunta. Kahit saan sa school, hindi ko na siya makita.. Wala na akong balita sa kanya.. 

Pero hanggang ngayon.. mahilig pa ako tumambay sa library at magbasa ng kung ano ano pero nagiintay lang talaga ako.. at baka.. makita ko ulit siya... 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home