IT Love Life

TRUE LOVE STORIES (ALL MUST REMAIN ANONYMOUS! NEVER ASK!)

Saturday, March 15, 2008

Ang dating pag-ibig.. Pag-ibig nga ba o infatuation lamang???

Ngayon2 lamang ay bigla na lamang nag pm ang aking kaibigan na matagal ko nang di nakakausap.. Maiksi lamang ang aming dialogo ngunit napakalakas ng tama sa akin.. Maitatanong ninyo kung bakit ang sagot ay dahil dati akong nagkagusto sakanya.. Alam kong hindi ko pa siya nakikita kahit isang beses sa personal puro sa mga litrato lamang.. Gandang ganda ako sakanya.. Nakakatawa pa nga kung pano ko siya nakilala hanggang ngayon alalang alala ko pa..

Gabi noon ng magtext ang aking matalik na kaibigan at tinanong ako kung ok lang ba makipagtext mate ang kanyang TITA sa akin.. Ang aking unang naisip ay.. "TITA!? matanda na!?" ngunit bago ko pa ito maitanong sknya ay huli na ang lahat at nagtext na sa akin ang kanyang tita.. Kaya iyon kamustahan etc.. Nang makita ko ang kanyang litrato ay hangang hanga ako sa kanyang kagandahan.. Bata pa siya ha kasing edad ko lang siya haha baka kung ano isipin ninyo.. At tumagal kaming nagtext2 at nakilala ko siya ng husto.. Sa punto na nagsasabi na siya ng mga sikreto sa akin.. Di nagtagal eh me nararamdaman na ako sakanya.. Tarantang taranta ako kapag magttext siya.. Gusto ko magtext na lang kami buong magdamag kaso kelangan nya matulog hehe.. Tumatawag din siya paminsan.. May mga pagkakataon ngang me klase ako eh tatawag siya napakasweet.. Masasabi nating nakakatuliro siya.. Kahit na malayo siya at taga Cavite siya eh ganun na ang aking nararamdaman.. Kahit ndi ko pa siya nakikita ng personal.. Kaso di din nagtagal ay unti-unting nababawasan ang aming pagtetext at tawag kaya ako ay labis na nalungkot..

Hindi ko alam kung tunay nga bang umibig ako sakanya o nabighani lamang sa kanyang kagandahan.. Ang alam ko lang ay napakasarap ng aking pakiramdam kapagkanakakausap ko siya o kahit katext at chat man lamang.. Ang kanyang pagkausap sakin ngayon2 lamang ay nakapaglagay ng ngiti sa aking mukha.. Sapat na sa akin ang malaman kong naaalala pa niya ako at naituturing pa ding isang kaibigan.. Hindi ko naman sinasabing liligawan ko siya at na gusto ko.. Siguro maging malapit na kaibigan ay ok na ako hindi ko ito sinasabi lamang para magpaimpress ngunit ito talaga ang tunay kong ninanais.. Kaya ang aking hangarin ay ang makita siya sa personal kahit isang beses kahit isang segundo.. Tunay nga namang nakakamiss siya.. Hanggang ngayon.. Hanggang sa kami ay magkita..  Sana ay mabigyan pa ako ng pagkakataong mapalapit sakanya.. Marami pong salamat sa oras..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home