IT Love Life

TRUE LOVE STORIES (ALL MUST REMAIN ANONYMOUS! NEVER ASK!)

Sunday, September 14, 2008

Doon sa bowling alley..

Martes ng hapon nang maiisipan ko at ng aking mga kaibigan na magcut at magbowling sa Megamall. Hindi ako nagdalawang isip na magcut sapagkat iyon lamang ang aking pinakaunang beses magcut sa subject na yun. At isa pa sabik na sabik akong magbowling sapagkat napakatagal na mula noong huli akong nakapagbowling.

Kaya kami na nga ay nagpunta sa Megamall at nagbowling. Dalawa lamang kami naglaro sapagkat ayaw maglaro ng iba naming kaibigan. Tuwang-tuwa ako at sa wakas pagtapos ng mahabang panahon ay nakapagbowling din akong muli. Akalain mo noong mga unang set ko nakaka 140+ points ako at ganadong-ganado sa pagbobowling halos lahat ay strike at kung hindi strike ay spair. 

Katatapos ko lang tumira nun at kaming dalawa lng ng kaibigan ko ang naandun dahil kumain ang iba nang bigla akong napalingon sa kaliwang linya. Akalain mo ba naman andun ang aking crush sa iskul.. Pangalawang beses ko siyang nakita noon ng araw na un. Noong una ay kumain kami sa Marina at biruin mo andun din siya.. Ang cute-cute nya talaga. Lalo nung makita ko kung pano siya magbowling ang cute talaga sobra! Tuwang tuwa ako kapag nakikita ko reaction nya pagkataops nyang tumira. Pagdating ng aking mga kaibigan ay kinuwento ko sknla at bigla akong pinagaasar. Pagtapos nun hindi na ako makapagbowling ng maaus nakuha ko lamang na score ay 70.. Sobrang nagiba ang aking pakiramdam ng malaman kong nandun din siya at nagbobowling. Hindi talaga ako makafocus lalo kapag nagkakasabay kami ng turn sa pagbowling..

Tuwang tuwa ako noong araw na iyon. Para sa akin, sa pagbobowling ko nakikita ang personality ng babae. At sa aking nakita tuwang-tuwa ako. SOBRANG CUTE NYA TALAGA LALO PAG NAGBOBOWLING.. Sana sa susunod na ako ay magbobowling makita ko syang muli doon kahit na wala akong mapatumbang pins basta alam kong nasa kabilang linya lang siya masaya na ko.. ^^

0 Comments:

Post a Comment

<< Home