IT Love Life

TRUE LOVE STORIES (ALL MUST REMAIN ANONYMOUS! NEVER ASK!)

Saturday, May 27, 2006

Day 1

Grabe talaga tong araw. Ang daming kakaibang nangyari! Natakot talaga ako dahil sa mga pangyayaring nakakamatay. 2 am ako gumising kasi kailangan ko na pumunta sa airport. 5 am kasi ung flight ko. mga 3:45 kami nagkita ni Butch sa departure area sa NAIA 2. Handang handa na kami pumunta sa davao para magadventure. so nabigay ko na gamit ko sa bagage terminal. Tapos inintay ko naman si Butch kasi chance flight siya. May chance na hindi niya ako makasama sa flight ko. So ayun nga, sinamahan ko siya sa pila niya. Tapos badtrip talaga! puno na ung plane. hindi siya nakasakay! tapos after a few minutes, tinawag pangalan ko sa airport. LAST CALL na raw ako! ako nalang ata ung wala sa plane. So tumakbo ako! kakahiya talaga! nakaupo na ang mga tao sa plane. Dun pa ako sa may likod umupo. Haba pa naman ng plane ng PAL. haayy! Nung nasa plane na ako, natulog lang ako. Nagising para kumain tapos natulog ulit. Nagising ulit ako nung nagland ung plane.

Pagbaba ko ng plane, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Magisa lang ako sa mindanao. Pinapaligiran ako ng bundok at mag puno. wala pa akong kilala kasi wala pa si Drew. So tumambay lang ako sa isang restau. kinaibigan ko na ung owner at ung mga tao. Ang babait talaga ng mga tao sa davao. Nakakapanibago! Tapos ayun. Hindi pa nakasakay si Drew sa next flight. Maskinabahan ako!!!! 2 flight nalang tapos wala na!!!! hindi ko na alam ang gagawin ko kapag hindi nakasakay si Drew! wala na akong matitirahan kung ganun! kinakabahan talaga ako! tapos nung malapit na ung 3rd flight papuntang davao... hindi nanaman siya nakasakay! 1 pm na! wala parin! ilang oras na ako nagiintay. Kung sino sino na kinakaibigan ko dito. Tapos nakatulog din ako kahit papaano. Pero nahirapan ako dahil kinakabahan talaga ako! Buti ang bait ng owner ng restaurant at pinaintay nalang ako sa loob. Tapos ayun, 4 pm na... nagtext si Drew.. sabi niya "celebrate!!! nakasakay ako!". Sobrang narelieve ako! grabe talaga un! buti nakasakay pa siya sa last flight!!! kung hindi... Naiwan na ako sa davao! wala pa naman akong alam sa davao! pero grabe parin! 11 hrs ako nagintay!! test of patience talaga un!

Ayun... so sinundo na kami ng dad niya at pumunta sa js gaisano mall. May napansin ako sa davao.. ANG GAGANDA NG MGA BABAE!!! walang sinabai mga babae sa manila! seryoso 'to! wala lang.. hahaha! tapos kumain kami.. naka 1/2 chicken ako! wahh! wala lang... tapos after nun.. pumunta kami sa MTS, ung parang Eastwood ng davao. Dun kami sa cafe na Blugre ang pangalan. Tapos inintay namin si Edge. Dun kami nagkita. Tapos sumabay kami sa kanya papunta sa bahay niya. Dun kami sa likod ng pickup niya. Ang bilis at ang lakas ng hangin! nakakamatay! hahahaha! ayun.. nang makarating kami sa bahay ni edge.. woahh! mansion!!! gawa sa glass karamihan ng gamit! pati sink sa cr. glass lahat hanggang gripo! hahahaha! kakaiba talaga buhay ni Edge dito. Kuwentuhan kami about some stuff. Siyempre hindi mawawala ang topic about sa lovelife. hahahaha! wala lang.. Tapos dinala kami sa taas ng area nila. Nakita namin ang buong davao kapag gabi. Grabe! walang masabi Manila! hahahaha! Ayun.. so after nun. hinatid na kami ni Edge sa bahay ng dad ni Drew. Dun kami natulog. Pagod na pagod talaga kami! hahaha!

To be continued...
(9 days to go!)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home