IT Love Life

TRUE LOVE STORIES (ALL MUST REMAIN ANONYMOUS! NEVER ASK!)

Monday, May 22, 2006

Weird Series of Events (Part 1)

At the first day we met, I didn't like you at all. Hindi ko talaga makakalimutan ung araw na yun. Nanood pa nga tayo ng movie nun e. Bat ba tayo nanood? ahh.. may group outing kasi. Pero onti lang tayong pumunta. At first time pa kita makita noon. Hindi talaga ako komportable nung nakasama kita. Ang tahimik mo nun grabe. Kala hindi ko alam kung pano kita kakausapin. But still.. I tried to talk to you. Ang tipid mo magsalita. Nagmukha tuloy akong sira sa harap mo. Wala lang. So nung natapos na ung movie, kumain tayo. Ang tahimik mo parin! Bat ka ba ganun! Nagkataon na naiwan nalang tayong dalawa.. so naglibot nalang tayo. Sa wakas! Kinausap mo na ako ng matino. Nashock talaga ako nang kausapin mo ako. Pero kung ano ano nalang ung mga tinanong mo. Mga walang kuwentang tanong para sa akin. Tinatanong mo kung bat ganito ako manamit etc... Parang ang laki ng problema niya sa itsura ko. Hindi ko talaga alam kung anong klaseng tao ka.. pero ayun.. After mga 1 hr, umuwi narin tayo.

Nang makauwi na ako, natulog nalang ako. Dahil pagod siguro sa kasasalita at kalalakad. Paggising ko, gabi na pala. Pagtingin ko sa pc ko, nagmessage ka pala sa akin. Bakit ganun... ang labo.. soooobrang daldal mo kapag kachat ko kita. Parang dun mo lang sinabi lahat ng naramdaman mo noong kasama kita siya. Tapos habang tumatagal, nagiging madalas na ang ating pagchat. Nagusap din tayo sa phone once. Ang ganda pala ng boses mo sa phone. Feel ko ibang tayo ang nakausap ko. So parang nagiba na ung tingin ko sa iyo dahil sa mga pangyayaring iyon.

Isang araw, lumapit ka sa akin at kinausap mo ako. May tinanong ka sa akin about something. Pero hindi ko na matandaan kung ano un. Pero nakita tayo ng friends ko. Kala nila may gusto ako sayo or the other way around. Ang labo noh. Parang un lang, ganun na agad ung iisipin nila. So siyempre sabi ko na wala un. May tinanong ka lang sa akin about sa isang bagay na hindi importante. So after nang pangyayaring iyon, medyo iniiwasan na kita lalo na kapag kasama ko friends ko. Baka asarin lang ako tapos madamay ka pa. So kungwari nalang hindi kita kilala.

After a few months, tinext niya ako. You told me na huwag akong maniwala sa mga friends mo kapag may sinabi sila sa akin about you. Naramdaman ko na sobrang laki ng problema mo. Pero buti inexplain mo sa akin lahat. You said that one of your friends teased you. Then you said something like.. "tama na Butch!". Instead of shouting your friend's name, you shouted mine. The more they teased you because of that. So wala nanaman akong masabi. Masnaweirdohan ako sa iyo. But in a way.. naawa rin ako sa iyo. Maybe because a lot of people loved to play with you. I don't really know.

As the months passed by.. we still texted each other and chatted. Nanood ulit tayo ng movie. I noticed that I got closer and closer to you. Tuwing may problema ka, lumalalapit ka sa akin. You always share everthing to me even though I don't ask about your problems. This made me know more about you. I couldn't believe that you were a very sensitive person. Para sa akin, wala sa itsura mo ang pagiging sensitive. You also make small problems into big ones. You are also often paranoid when somehting happens that I myself consider useless. I wanted to stop getting closer and closer to you but it seemed that I can't. Hindi ko talaga maintindihan kung ano yung nararamdaman ko. Ito na ba ang love? Ewan... Bakit ang weird ng love kung love talaga yun...

to be continued...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home