Weird Series of Events (Part 2)
Now.. sobrang naging close tayo. Parati na rin tayo naguusap sa phone. Walang araw na hindi mo ako tinawagan. Pero minsan, lumalabas rin tayo para maglakwatsa kapag wala talagang magawa. Kapag nakakasalubong kita sa school, nagssmile tayo sa isat isa. Tapos minsan, sabay tayo kumain sa canteen kapag lunch time. So ang dami nang kumakalat na mga tsismis tungkol sa atin dalawa. Pero hinayaan nalang natin sila. haha!
Tapos nung birthday mo.. ininvite mo ako sa house mo. Punta agad ako! Pero nakakahiya talaga dahil wala akong kilala. Hiyang hiya talaga ako nung time na un. Puro relatives mo at friends mo. Pero ok lang dahil mabait naman sila. Medyo feel at home na rin ako nung time na un. Tapos nagspin the bottle pa tayong lahat nun. Medyo naging kaklose ko narin ung mga friends mo dahil lang dun. Tapos picture picture nga pala! saya! haha
Tapos one day.. inoperahan ako sa kamay. May tumutubo kasi na ewan sa 2 kong kamay. Kadiri sobra! nakabalot na sa cloth pero bumabakat parin ung dugo. Nagooze parin palabas. Sobrang kadiri talaga. Naglalakad ako sa labas.. pauwi na ako nun. Bigla kitang nakita.. pinakita ko sayo ung mga kamay ko at agad kang tumakbo! hahahaha! kadiri kasi dahil ang lagkit ng dugo ko nun. tawang tawa talaga ako nung tumakbo ka. hahaha! umuwi na rin ako after nun. hehe
Naalala ko rin dati.. nagbabasketball kami ng classmates ko. Alam ko may klase kayo, pero na sa labas ka lang para panoorin ako. Grabe ka naman! mahiya ka naman sa teacher mo! hahaha! nandun ka lang kasi sa tabi ng door ng classroom niyo. Ang tagal namin naglaro nun.. Nandun na ung teacher sa room namin, naglalaro pa rin kami sa labas. Biglang nakita namin, nagqquiz na pala sila. So tumakbo kami sa room! Mga baliw nga mga kaklase ko e. Hinubad ba naman ung shirt nila pagpasok nila sa room. Tapos sumigaw sigaw pa sila! ang init ng ulo ng teacher namin. Pinapunta kami sa faculty at pinagalitan kami. Medyo natatawa nga ako nun e. haha!
Ayun.... Tapos naging prom date pala kita! wow! actually, wala akong plano magbigay sayo ng flowers.. Pero ang kulit ng mom ko. Bumili siya ng maraming roses para raw may maibigay ako sayo. Nakakahiya talaga yun! Parang ung binigay ko sayo ung pinakamalaki sa lahat. haha! pero ayus lang. Nung kailangan na magdance.. Ikaw agad ung sinayaw ko.. mga 20 minutes tayo sumayaw. wahh!!! kakapagod... ayun.. mula nung araw na un.. sobrang close na natin sa isat isa.. kaya na conclude ko na.. kahit na gano kaweird ung tao, o kahit ayaw na ayaw mo siya.. once na makilala mo siya.. mapapansin mo na ibang iba pala siya. Makakalimutan mo agad ung una mong pagtingin sa kanya.. Magugustuhan mo siya kahit na sino siya.. ayun lang masasbi ko..
The End
0 Comments:
Post a Comment
<< Home