IT Love Life

TRUE LOVE STORIES (ALL MUST REMAIN ANONYMOUS! NEVER ASK!)

Thursday, June 22, 2006

Flashback!

wala akong magawa ngayon. medyo inaantok na rin ako pero tinatamad ako matulog. habang hindi pa ako nakakatulog kung ano ano ang mga pinagiisip ko ngayon. naalala ulit kita! ikaw na lang parati ang pumapasok sa isip ko tuwing wala akong magawa. bakit nga ba? bahala na lang.. pero ganun lang talaga kapag gusto mo ang isang tao.

naalala ko pa yung araw na tinawagan mo ako sa phone. kakaiba yung naramdaman ko. halos hindi ako makasalita sa tuwa dahil lang sa isang phone call. nakakahiya nga e, halos wala kasi akong nasabi. may tinanong ka lang pala about something na hindi ko na maalala ngayon. medyo mahina memory ko. sorry! naalala ko ung time na may suot kang cap. ang cute cute mo kasi! lalo na kapag nakikita ko pictures mo. wow talaga! parati ko nalang tinititigan kapag wala rin akong magawa.

naalala ko ung time na.. naglakwatsa tayo kasama ang isa nating friend. kinakabahan talaga ako. hindi ko rin alam kung bakit. baka dahil hindi ko lang alam ang sasabihin ko sayo kapag nagkita na tayo sa mall. pero naging ok naman ang lahat nang magkita tayo. ang cute ng suot mo nun! blue pa suot mo nung time na un! hanggang ngayon natatandaan ko pa! wow! tapos naalala ko pa ung time na un. ung pauwi na tayo. Nang nahatid na kita, pagbalik ko, muntik na ako mabundol ng truck! grabe ung feeling na un! medyo natakot na akong tumawid after mangyari yon.

tapos isang araw.. nakita ko sa chair ko.. nakalagay ung names natin. butch loves (name mo). wahh! hindi ko un pinakita sayo. nakakahiya talaga un! agad na tinanggal ko. sino kaya ang naglagay nun? ang sama naman ng tao na un. pero sa loob loob ko.. kinikilig ako. ang labo nga e! hindi ko nanaman alam kung bakit! napaisip din ako.. bakit ba ganito ang nararamdaman ko. well.. ganun lang talaga siguro ang buhay. hindi mo maintindihan! sobrang adik ko na sayo!

hanggang dun nalang siguro kuwento ko.. saan ka na kaya ngayon? sana ok ka lang. sana buhay ka pa! sana masaya ka! wala na talaga akong balita sayo e. o sige.. pumipikit na mata ko. kailangan ko na ata talaga matulog. sana mapanaginipan nalang kita. good night!


0 Comments:

Post a Comment

<< Home