No More Chemistry!
new student pa lang ako rito. wala talaga akong kilala sa mga classmates ko. pero first week pa lang, naging komportable na ako. naging interesado ako sa isa kong classmate na girl. halos hindi ako kumakausap ng mga babae nang time na un. sobrang mahiyain kasi ako. kapag kinausap ako ng babae, halos wala akong nasasabi sa kaba. nakakahiya talaga. hindi naman ako galing sa exclusive school for boys pero bakit ganun!
-----
habang tumagal, inaasar na nila ako sa girl na un at inaasar din siya sa akin. hindi ko nanaman ulit alam kung bakit. kungwari nagagalit ako kapag inaasar nila ako, pero ewan pa rin. masaya ako sa loob pero ayoko lang ipakita. may mga times na iniiwan nila kaming dalawa sa classroom tapos hinaharangan niyo ung door para hindi kami makalabas. hindi ko talaga alam ang gagawin ko nung nangyari un. medyo nabadtrip ako nun. ewan ko ba kung bakit. ang labo talaga!
----
kapag may group work sa class, gustong gusto ko na maging groupmate siya. naiinis ako kapag hindi kami magkagroup! pero naging masaya ako nung kaming 2 ang napili para sa quizbee. wala na akong mahihingi pang iba. haha! medyo active din kaming dalawa sa sports kaya ayun. mahilig kaming maglaro ng softball nung time na yun. so naging masaya naman itong school year na ito.
-----
next school year... classmates pa rin kami! pero parang nagfafade away na. kahit na parati kaming magkagroup at naguusap, parang nawala nalang ung chemistry sa aming dalawa. naging masmarami ang times na magkasama kami pero parang wala lang. hindi ko talaga alam kung bakit ganun. dati.. sobrang onti ng opportunities na makasama ko siya. yun lang talaga ang gusto ko mangyari dati. pero ngayon... sorang dami na ng opportunities.. pero nawawala na talaga. parang wala na akong nararamdaman. bakit ba ganun ang buhay? baka hindi talaga ako para sa iyo.. wahahaha!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home