Sikreto ng sikreto..
"Walang sikretong hindi nabubunyag.." ito ang sinasabi ng karamihan. Kung inyong susuriin ang katagang ito, hindi ba parang sinasabi nito na WALANG SIKRETO dahil darating din ang araw na mabubunyag ito. Ano nga ba talaga ang gamit ng sikreto?
Para sa akin ang pagkakaroon ng sikreto ay paraan ng mga tao na itago ang mga bagay-bagay sa kadahilanang baka makaapekto ito sa taong nasa paligid niya. Natatakot ang taong ito na magiba ang tingin sakanya ng ibang tao lalo na kung ang sikretong kanyang itinatago ay may kinalaman sa isang ispesipikong tao. Pero sa puntong ito alam na ng taong me sikreto na mabubunyag din balang araw ang kanyang sikreto pero hindi lang siguro sa kasalukuyan panahon.
Ngayon sa isang sitwasyon, may dalawang tao si A at si B. Sabihin nating may sikretong itinatago si A kay B. Kaya nagsikreto si A dahil natatakot
siyang magiba ang tingin sakanya ng mga tao at lalo na ni B. Ngayon kung dumating ang
puntong inalam ni B ang sikreto ni A, dapat ay hindi siya magpapaapekto sa nilalaman ng
sikreto ni A. Dahil si B ang gumawa ng paraan upang malaman ang sikreto ni A. Kung masama
man ang nilalaman ng sikreto ni A tungkol kay B, hindi dapat magalit si B. Dahil kaya nga sinikreto ni A kay B dahil ayaw nyang masaktan si B o kaya naman ay magalit. Eh ito namang si B inalam. Kung aalamin man ni B ang sikreto ni A, sana ay antayin nyang sabihin mismo ni A kung ano sikreto niya bago siya magreact, dahil "Walang sikretong hindi nabubunyag" darating din ang araw na sasabihin ni A ang sikreto nya kay B. Si A lang ang nakakaalam kung kailan niya masasabi ang kanyang sikreto.
Totoo walang sikretong hindi nabubunyag pero tandaan natin me dahilan kung bakit isinikreto ng isang tao ang isang bagay. Kaya kung atin mang aalamin ang sikretong ng isang tao, huwag tayong magpapaapekto, huwag sana magiiba ang tingin natin sakanya at huwag natin siyang huhusgahan. Magagawa lamang natin ito kung ang sikreto ay ibunyag mismo ng taong me sikreto. Pero hanggang sa hindi pa dumarating ang araw na ito, huwag muna tayo papaapekto.. ^^ Ating respetuhin ang isa't-isa.. ^^
(Ito ay isang payo lamang at hindi leksyon.. Ito ay pawang opinyon ng nagsulat lamang..^^ Masaya to pag inapply nyo sa love life lalo un mga ilangan.. ^^ Pero hindi lang ito pang love life, akma din ito sa araw-araw na buhay.. ^^ Pagisipang mabuti.. ^^)